Articles worth reading

Pasig News

Photo Courtesy of Pasig PIO

Pasig launches GEMS 

account_balancePasig chat_bubble_outline0 Comments

Kahapon, July 12, 2021, ay opisyal nang inilunsad ang Pasig City Government Employees Management Service o Pasig City GEMS na dinaluhan ng mga kinatawan ng Civil Service Commission (NCR Regional at Field Office). Ito ay ang kumpletong human resource (HR) management system ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

Inaasahan na sa pamamagitan ng Pasig City GEMs ay maisasaayos at mapapadali ang recruitment, selection and placement, learning and development, at performance management; at mapapaganda rin ang employee experience at employee relations sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig.

Sa ilalim ng Pasig City GEMS ay magagawa ang mga HR processes nang wasto at tama habang sinisiguro na magiging mas transparent at accessible sa lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, at alinsunod sa issuances ng CSC, DBM, at COA.

Ang pagkakaroon ng Pasig City GEMS ay isa sa mga inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon para sa internal housekeeping o pagsasaayos ng mga proseso sa City Hall.

Ilan sa features nito ay:

- Automation ng HR processes na makakatulong sa lahat (empleyado, department heads, HRDO, mga aplikante, at maging kay Mayor);

- Gawing data-driven ang decision making o lahat ng mga magiging polisiya ukol sa HR management at development ay ibabase sa mga datos at naayon sa pangangailangan; at kaugnay din nito ang:

-Pag-alis ng sistema ng palakasan dahil tuluyan nang mai-institutionalize ang merit-based recruitment at promotion: naayos na at patuloy pang inaayos ang qualification standards para masiguro na may kapasidad ang mga bagong maha-hire at karapatdapat sa posisyon; at pagayos ng rating para sa performance ng mga kasalukuyang kawani para sa performance-based incentives at para rin sa posibleng promosyon.

Nasa 100 kiosks sa loob ng City Hall at 60 remote sites sa mga health centers, barangay hall, at schools ang maaaring magamit ng halos nasa 10,000 empleyado ng City Government para sa pag-access ng Pasig City GEMS.

Bukod pa rito, makakapag-download din ng Pasig City GEMS mobile application nang libre para mas maging mas madali at mas mabilis ang pag-access dito, 24/7!

Naniniwala ang Pamahalaang Lungsog ng Pasig na kapag ang mga empleyado ay mas naaalagaan at nararamdaman na sila ay napapahalagahan, mas magiging maayos at produktibo sila sa paggampan ng mga tungkulin na iniatas sa kanila. Ang investment para sa mga kawani ng Pasig City Government ay investment para mapabuti at mapaganda ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan para sa mga Pasigueño!

date_rangeDate Published
2 months ago
shareShare article
folder_openArticle tags
content_copyCategorized under

Share your thoughts with us

Related Articles

Munti administers over 500,000 vaccine shots

account_balanceMuntinlupa chrome_reader_mode1 week ago

The local government of Muntinlupa, through the Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac), has announced that the city already administered a total of 507,964 vaccines and has inoculated nearly half of the target population as of Septem...

Navotas welcomes 28 new scholars

account_balanceNavotas chrome_reader_mode1 week ago

The city government of Navotas welcomed 28 new beneficiaries of the NavotaAs Academic Scholarship for school year 2021-2022. Of the 28, 15 are incoming high school freshmen, 11 are incoming college freshmen, and two are teachers seeking higher educa...

Muntinlupa receives 3,600 boxes of face masks

account_balanceMuntinlupa chrome_reader_mode1 week ago

The local government of Muntinlupa extends its gratitude to the Temasek Foundation of Singapore and Filinvest for donating 3,600 boxes of face mask to the city. Mayor Jaime Fresnedi received the donation from Filinvest City first vice president, hea...

Let's Stay Connected Like us on our Facebook page.
×
Click on the article to continue reading
Quezon City adopts no contact apprehension system Red Cross pushes saliva test Vaccines from COVAX to arrive in Q1 Makati Shangri-La to close doors on Feb. 1 Cities in NCR to start vaccination simultaneously Mother, girlfriend of Filipino infected with UK variant also test positive Send Press Release MNC Facebook Page MNC Twitter Page MNC Instagram Page LGU Spotlight Barangay Front Business Sports Entertainment Metro Gen Metro Feature